-- ADVERTISEMENT --
Nabigo si Eman Bacosa Pacquiao sa laban niya kontra Joshua Padual para sa Mindanao Professional Boxing Association (MinProBA ) Superlightweight title.
Pinabagsak ng 27-anyos na si Padual ang 22-anyos na si Pacquiao sa laban nila na ginanap sa Maramag Municipal Gym sa Bukidnon nitong Sabado ng gabi.
Ang pagkatalo na ito ni Eman ay siyang pangalawa na ngayong taon.
Noong Hunyo 21, 2026 kasi ay tinalo siya ni Rodelyn Perez sa laban na ginanap sa Muntinlupa City.
Maraming mga fans nito ang nalungkot dahil sa pagka-technical KnockOut (TKO) niya sa loob ng ikatlong round.
-- ADVERTISEMENT --











