Sinabi ni Sen. Pia Cayetano na pinagtibay ng Korte Suprema ang kautusan sa gobyerno na ibalik ang P60 billion na pondo ng PhilHealth, na malinaw sa batas na hindi maaaring gamitin para sa iba pang layunin.
Iginiit niya na matagal na niyang binabala na ang kakulangan o pag-alis ng pondo sa PhilHealth ay labag sa umiiral na batas.
Sa pagtalakay sa 2026 budget, inilahad ni Cayetano na may halos P130 billion kakulangan mula sa sin tax funds na hindi nailaan sa PhilHealth sa nakalipas na apat na taon. Dagdag pa niya, halos P300 billion rearmarked funds mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office at Philippine Amusement and Gaming Corporation simula 2019 ang hindi pa naipapasa sa ahensya.
Kinondena rin ng Senadora ang pagtanggal ng P60 billion subsidy sa PhilHealth, na aniya’y lalo pang nagpapalala sa problema sa pondo. Binigyang-diin niya na malinaw sa Sin Tax Law at Universal Health Care Act na eksklusibo lamang ang paggamit ng pondo para sa health services.
Dati nang tumutol si Cayetano sa pagtanggal ng PhilHealth subsidy sa 2025 budget at nilagdaan ang bicam report nang may reserved. Giit niya, dapat hiwalay na resolbahin ang isyu ng umano’y sobraang pondo ng PhilHealth.











