-- ADVERTISEMENT --
Nagsalita na ang aktres na si Rhian Ramos at kinumpirmang hiwalay na sila ni Sam Verzosa.
Sa isang panayam, sinabi ni Rhian na komportable na siyang pag-usapan ang kanilang breakup matapos mauna itong kumpirmahin ni Sam sa isang hiwalay na panayam.
Ibinahagi niya na naghiwalay sila noong Oktubre 2025.
Tinanong din si Rhian kung nag-uusap pa ba sila ni Sam at aniya, normal at healthy ang “no contact time” pagkatapos ng hiwalayan upang makapag-heal at makapag-move on ang bawat isa.











