-- ADVERTISEMENT --

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapatuloy ng mga repatriation flight upang maiuwi ang mga Pilipinong apektado ng kaguluhan sa Gitnang Silangan.

Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, tuloy-tuloy ang humanitarian airlift ng pamahalaan sa pamamagitan ng Air DMW ni Secretary Hans Leo Cacdac.

Sa ngayon, halos 1,100 Pilipino na ang napauwi, kabilang ang mga may sakit na isinakay sa medical evacuation.

Noong Marso 15, 2026, nasa 343 OFWs at kanilang pamilya mula Riyadh, Al Khobar, Bahrain ang naiuwi sa isang “mercy flight.” Pamilya

Sinabi ni ES Recto, na may panibagong chartered flight na inihahanda bago matapos ang buwan.

-- ADVERTISEMENT --

Patuloy rin ang evacuation efforts sa Israel, Kuwait at Bahrain na nakatuon sa kaligtasan ng mga Pilipino.

Ayon kay Recto, kinukuha ang pondo mula sa P2 bilyong AKSYON fund ng Department of Migrant Workers.

Saklaw na dito ang libreng biyahe, pati pagkain, tirahan, counseling, at serbisyong medikal.

May mga programa rin ang gobyerno para tulungan ang mga umuwing OFWs na makahanap ng trabaho sa bansa, kabilang ang oportunidad sa pagtuturo sa mga pampublikong paaralan sa pakikipagtulungan sa DepEd.