-- ADVERTISEMENT --
Kinumpirma ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na nakipagpulong ito sa mga staff ng International Criminal Court (ICC).
Ang nasabing kumpirmasyon ay matapos na ibunyag ng 18 mga dating marines.
Base kasi kay Atty. Levi Baligod at ang 18 mga dating Marines na nakipagpulong si Remulla sa ICC noong ito ay Justice Secretary pa lamang.
Nangangahulugan aniya nito na mayroong sabwatan ang gobyerno at ICC para tuluyang maipakulong si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Subalit depensa ni Remulla na matagal na itong nangyari at nais lamang niya na maprotektahan ang testigo.
-- ADVERTISEMENT --
Sa ngayon ay nais niyang makuha ang bawat affidavits ng mga 18 marines para malaman kung talagan seryoso ang kanilang mga alegasyon.











