-- ADVERTISEMENT --

Pinuri ni Qatari Prime Minister Sheikh Mohammed bin Abdulrahman bin Jassim Al Thani ang Gaza ceasefire plan ni US President Donald Trump.

Sinabi nito na ang nasabin ceasefire plan ay tumutugon sa nais na isulong ng mga mediator na bansa na kinabibilangan ng Qatar, Egypt at US.

Dagdag pa ni Sheikh Mohammed na nakatuon pa rin sila kung paano maprotektahan ang mga tao sa Gaza.

Magugunitang humingi ng paumanhin si Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu sa Qatar dahil sa kanilang airstrike na isinagawa kung saan tinamaan ang ilang mga sibilyan.