-- ADVERTISEMENT --

Tiniyak ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Dave Gomez na determinado si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na panagutin ang mga tiwaling opisyal at wakasan ang kultura ng korapsyon sa pamahalaan.

Ayon kay Gomez na nagsusumikap ang administrasyon upang maibalik ang tiwala ng publiko at mga mamumuhunan sa pamamagitan ng transparency at mga reporma.

Dagdag pa ni Golez sisiguraduhin ni Pangulong Marcos na mananagot ang sinumang sangkot sa iregularidad at maling paggamit ng pondo ng bayan.

Ipinunto rin ni Gomez ang pagkakatatag ng Independent Commission for Infrastructure (ICI)na layong magsagawa ng imbestigasyon at magrekomenda ng kaso laban sa mga responsable.

Buo rin ang paniniwala ni Gomez na makakatulong ang matatag na paninindigan ng gobyerno laban sa katiwalian at ang pagbabagong institusyonal upang mapanatili ang tiwala ng mga mamumuhunan at katatagan ng ekonomiya.

-- ADVERTISEMENT --