Patuloy na tinututukan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang search and rescue operations para sa walong pasaherong nawawala matapos ang insidente na kinasasangkutan ng M/V June Aster sa karagatan ng Coron, Palawan.Mag-book Ng Island-Tour
Mula sa paligid ng Calanhayaun Island hanggang sa mga kalapit na baybayin, nagsagawa ng malawakang paghahanap ang mga tauhan ng Coast Guard District Palawan gamit ang mga patrol vessel, rubber boats at iba pang kagamitan.
Kabilang sa operasyon ang maritime at shoreline patrols, habang nagpakawala rin ng mga drone ang PCG upang masuri mula sa himpapawid ang mga posibleng lugar na maaaring puntahan ng mga search team.
Nakibahagi rin sa operasyon ang mga tauhan ng Disaster Response Group, Special Operations Group at Marine Environmental Protection–Northeastern Palawan, kasama ang BRP Suluan.











