Ayon kay Ombudsman Remulla, makakaasa umano ang ikalawang pangulo ng patas na pagtrato para sa kinakaharap nitong mga alegasyon.
Makaseseguro din aniyang dadaan ito sa tamang proseso at nakabase sa mga ebidensya ang pag-iimbestiga o paghahain ng pormal na kaso.
Magugunitang nagsumite ng kahun-kahon mga ebidensya ang National Bureau of Investigation sa Ombudsman kaugnay sa natuklasan ari-arian ng ikalawang pangulo.
Batay kasi sa naging resulta ng pag-iimbestiga ng NBI, natukoy na mayroon umanong ‘misdeclarations’ ng ari-arian sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth ng bise presidente.
Matapos matanggap ng Ombudsman ang ‘NBI referral’, isinasailalim na ito ngayon sa inisyal na ebalwasyon upang madetermina ang susunod na hakbang gagawain.
At kung umakyat man sa ‘preliminary investigation stage’, ayon kay Ombdusman Boying Remulla, kinakailangan magpasa ng ‘counter-affidavit’ si Vice President Duterte.
Gayunpaman, naunang tiniyak na ng tanodbayan na hindi maiimpluwensyahan ng kulay sa pulitika ang imbestigasyon o paghawak sa naturang alegasyon.










