-- ADVERTISEMENT --
Dinala sa pagamutan ni Miss Universe Jamaica 2025 Gabrielle Alexis Henry matapos ang aksidenteng pagkahulog sa stage sa 74th Miss Universe preliminary competition.
Nangyari ang insidente nitong Nobyembre 19 sa Impact Challenger Hall sa Thailand ilang oras matapos ang National Costume segment.
Sinakay siya sa strecher matapos ang pagkakahulog at dinala sa pagamutan.
Patuloy ang pagpapagaling ng beauty queen kung saan sasailalim pa ito sa mga ilang medical test.
Sakaling gumaling na ay maari itong makasali sa coronation sa darating na Nobyembre 21.
-- ADVERTISEMENT --











