-- ADVERTISEMENT --

Pinabulaanan ng Malacañang ang mga alegasyon ng destabilisasyon at iginiit na tatapusin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanyang termino sa gitna ng mga lumulutang na ulat ng “assassination plot” laban sa kanya.

Ito ang naging pahayag ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro matapos lumabas sa House impeachment hearing ang testimonya ni Ramil Madriaga.

Ayon kay Madriaga, nagkaroon umano ng mga pag-uusap sa pagitan ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at ilang retiradong heneral para sa plano na puwersahang paalisin sa puwesto ang Pangulo pagdating ng 2025.

Nilinaw ni Castro na walang personal na kaalaman ang Pangulo o ang Palasyo sa mga ibinunyag na usapan nina Madriaga at ng dating Pangulo.

Sinabi ni Castro na ang Pangulo ay nangampanya sa taumbayan, nangako na maglilingkod sa taumbayan, at nangakong tatapusin ang kaniyang termino para sa bayan.

-- ADVERTISEMENT --

Tiniyak din ng opisyal na bagaman nakatuon ang Pangulo sa kanyang trabaho, hindi babalewalain ng gobyerno ang mga ganitong seryosong banta.

Aalamin umano ng pamahalaan ang buong katotohanan sa likod ng mga alegasyong ito upang mapanatili ang seguridad ng punong ehekutibo at ang katatagan ng bansa.