Hindi nangangamba ang Malacañang sa posibleng magkakaibang interpretasyon ng mga senator-judge hinggil sa 2/3 voting requirement para sa conviction sa impeachment trial.
Ayon kay Palace Press Officer Usec Claire Castro,nakatulong ang pagdinig sa mga amicus curiae upang madagdagan ang kaalaman ng mga senador tungkol sa usapin ng voting threshold.
Giit ni Castro, ang mga pahayag ng mga dating mahistrado ay mga opinyon at kaalamang maaaring magsilbing gabay sa mga senador sa kanilang magiging pagpapasya.
Aniya, dapat manaig sa magiging desisyon ang katotohanan, fairness, at justice.
Binigyang-diin din ng Malacañang na nasa Senado ang pagpapasya kung anong voting threshold ang gagamitin para sa conviction sa impeachment case.
Sinabi ni Castro na hindi makikialam ang Palasyo sa magiging interpretasyon, opinyon, at desisyon ng mga senador, dahil nasa kanilang responsibilidad ang paghatol sa kaso.











