-- ADVERTISEMENT --

Nanawagan ang MMDA sa publiko na maging responsable sa pagtatapon ng basura ngayong holiday season.

Ito ay upang maiwasan ang pagdami ng basura na nagdudulot ng problema sa ating kapaligiran.

Ayon kay MMDA Chairperson Atty. Don Artes, hindi lamang ang pagbabawas ng dami ng basura ang mahalaga, kundi pati na rin ang aktibong pakikilahok sa mga programa ng pagre-recycle para sa isang mas sustainable at maayos na kinabukasan para sa ating lahat at sa mga susunod na henerasyon.

Bilang bahagi ng kampanya para sa pangangalaga sa kalikasan, mariing hinihikayat ng MMDA ang publiko na makiisa sa pamamagitan ng pag-recycle at muling paggamit ng mga materyales tulad ng karton, plastic, at bubble wrap.

Ang mga simpleng hakbang na ito ay may malaking epekto sa pagpapababa ng volume ng basura na napupunta sa mga landfill.

-- ADVERTISEMENT --

Sa pagre-recycle naman ng mga karton, siguraduhin na ang mga ito ay malinis, tuyo, at walang anumang tape, label, o plastic na nakadikit.

Sa ganitong paraan, mas madali itong mapoproseso at magagamit muli.

Bukod pa rito, ang mga bubble wrap ay maaari ring gamitin muli sa iba’t ibang paraan, tulad ng sa pagpapadala ng mga package, pag-iimpake ng mga gamit, o kaya naman ay bilang insulation sa hardin o sa mga halaman.