-- ADVERTISEMENT --

Bahagyang bumaba ang presyo ng langis sa unang tatlong araw ng kalakalan sa pandaigdigang merkado matapos ang kasunduan ng tigil-putukan sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.

Mula Abril 6 hanggang 8, naitala ang pagbaba ng presyo ng diesel sa pinagkukunan ng ating supply.

Kung magpapatuloy ito, maaari umano ang rollback sa P2.50/l to P3.40/l sa diesel.

Habang sa halaga ng gasolina ay P1.00/l ang inaasahang bawas presyo.

Una rito, sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin, hindi dapat asahan ng mga Pilipino na agad babalik sa pre-war levels ang presyo ng petrolyo, kahit pa tuluyang huminto ang kaguluhan sa Gitnang Silangan.

-- ADVERTISEMENT --

Binanggit niya na nananatiling mataas ang delivery costs at may mga nasirang oil infrastructure na nakakaapekto sa supply chain.