-- ADVERTISEMENT --
Makikibahagi ang singer-songwriter na si Ogie Alcasid sa isasagawang malawakang kilos protesta laban sa kurapsyon sa darating na Setyembre 21 sa EDSA.
Sinabi nito na labis na siyang nadidismaya sa mga lantarang pangungurakot ng mga nasa gobyerno.
Hinikayat nito ang mga fans na sumama at makibahagi sa protesta laban sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno ganun ang mga sangkot sa maanomalyang flood control projects.
Dagdag pa nito na walang kulay pulitika ang kaniyang pakikibahagi dahil ito ay para sa bayan.