-- ADVERTISEMENT --

Nahaharap sa kasong trademark infringement ang singer na si Taylor Swift dahil sa kaniyang album na “The life of a Showgirl”.

Kinasuhan ni Maren Wade ang singer, Universal Music Group at Bravado International Group Merchandising Services Inc dahil sa trademark nito na “Confession of a Showgirl”.

Sinabi nito na ang album ni Swift na inilabas noong Oktubre ng nakaraang taon ay parehas din ng kaniyang brand.

Tinangka umano ng legal team ni Swift na ipa-trademark ito subalit ito ay hindi tinanggap ng US Patent and Trademark Office (USPTO).

Giit ni Maren na umabot ng ilang dekada bago mabuo ang “Confession of a Showgirl” na kaniyang inirehistro din.

-- ADVERTISEMENT --

Si Wade ay singer at performer na lumabas din sa “America’s Got Talent” noong 2014.

Naging kolumnista ito sa Las Vegas Weekly kung saan ang column nitong “Confession of a Showgirl” ay ginawa niyang one-woman comedic cabaret show.

Naglabas din ito ng podcast at libro sa parehas din ng pangalan.

Ipinarehistro nito ang “Confessions of a Showgirl” brand sa USPTO noong 2015.