-- ADVERTISEMENT --
Ipinagtanggol ng Israel ang ginawa nilang pag-atake sa Qatar.
Ayon Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu, na ang target nila sa nasabing pag-atake ay ang mga Hamas na siyang responsable sa pamamaril sa bus stop sa Jerusalem.
Dagdag pa nito na Hamas talaga ang siyang naghahasik ng kaguluhan mula noong isinagawa ang pag-atake sa Israel noong Oktubre 2022.
Dahil sa insidente ay lima ang nasawi kung saan muntik ng matamaan ang negotiating team para sa ceasefire sa pagitan ng Israel at Hamas.