-- ADVERTISEMENT --

Pormal nang ipinasilip ni House Speaker Bojie Dy ang laman ng kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth ngayong araw.

Batay sa record , aabot sa mahigit P74-M ang kabuuan ng kanyang yaman o net worth.

Mula sa kanyang idineklarang SALN, aabot sa P32.53 million ang value ng kanyang 12 agricultural properties at apat na residential lots at bahay.

Ipinapakita sa datos na labindalawa sa mga ito ay nabili mula pa noong 1990s hanggang 2000s habang ang apat naman ay minana nito .

Maliban sa kanyang mga real estate , ideneklara rin ng bagong upong lider ng Kamara ang kanyang P25.18 million na halaga ng cash at P29.6 million na investment .

-- ADVERTISEMENT --

Kabilang rin sa kanyang ideneklara ay ang kanyang mga personal assets katulad ng limang sasakyang na nagkakahalaga ng aabot sa P11.34 million.

Narito ang halaga ng mga personal properties si Spekerr Dy ng kung susumahin ay aabot sa mahigit P88,616,261.31;

Cash (25,184,261.31)
Investments – Shares of Stocks (1,600,000.00)
Investment – Shares of Stocks (500,000.00)
Investment redacted (27,500,000.00)
Warehouse Farm Improvement (10,000,000.00)
Ford Transit Minibus 2022 ( 1,799,000.00)
Toyota LC 76 Series 2021 (2,800,000.000)
Toyota Hilux-FX 2020 (1,043,000.00)
Toyota Alphard Van 2019 (3,600,000.00)
Hi-Ace Super Grandia 2017 (2,100,000.00)
Machines and Equipment Various years (490,000.00)

Kung pagsasamahin ang kanyang mga real estate at personal assets, aabot sa P121.144 million ang kanyang kabuuang yaman.

Pero mula sa halagang ito, ibabawas na dito ang kanyang halaga ng liabilities o pagkakautang na aabot sa P47.124 million dahilan para umabot na lamang sa 74.019 million ang kanyang kabuuang net worth.