-- ADVERTISEMENT --

Naitala ang panibagong minor strombolian activity sa crater ng Mayon Volcano noong Miyerkules ng hapon na siyang nagtalan sa ika-92 na effusive eruption ayon sa state volcanologist.

Batay sa close-up footage ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) mababang antas ng pagputok ang naitala ng Mayon Volcano Observatory bandang alas-5:50 ng hapon.
Ayon pa sa PHIVOLCS, ang minor strombolian activity ay mga pabagu-bagong pagputok na nagbubuga ng lava fountains at magma fragments mula sa crater.

Nakita rin ng PHIVOLCS noong umaga ang panandaliang lava fountaining bandang alas-7:26 ng umaga, kasunod ng lava effusion na may collapse-fed PDCs na naitala bandang alas-7:23 ng umaga at alas-7:24 ng umaga.
Pinaalalahanan ng mga state volcanologist na nananatiling nasa Alert Level 3 parin ang Mayon Volcano at mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa anim na kilometro ng permanent danger zone (PDZ) dito.