-- ADVERTISEMENT --
Nilinaw ng eight-division world champion na si Manny Pacquiao na ang kanyang inaasahang rematch laban kay Floyd Mayweather Jr. sa Setyembre 19 ay isang “real fight” at hindi exhibition lamang.

“From the beginning, my intention has been to give the fans what they truly want to see. A high-level, competitive sanctioned fight,” aniya.
Ayon kay Pacquiao, naiintindihan niya ang naging pahayag ni Mayweather kamakailan na tinawag ang laban sa The Sphere sa Las Vegas bilang exhibition para lamang aliwin ang publiko.
Ngunit, binigyang-diin ni Pacquiao na ang kontrata ay para sa isang professional fight na mabibilang sa kanilang record.










