-- ADVERTISEMENT --

Walang nakikita ang Malacañang ng anumang banta sa seguridad laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ni Communications Undersecretary Claire Castro na kahit na magkakaroon ng malawalakang kilos protesta sa Setyembre 21 ay walang anumang namonitor na security threat sa pangulo.

Dagdag pa nito na base na rin kay National Security Council ADG Cornelio Valencia na walang ibang banta bukod sa naunang pagbabanta ni Vice President Sara Duterte.

Paglilinaw ni Castro na hindi magiging kampante ang security team ng pangulo kaya tuloy ang gagawing pagbabantay sa seguridad.

Hinikayat ni Castro ang publiko na iwasang iugnay ang planong Setyembre 21 na malawakang rally sa umanoy plano na pagkakaroon ng destabilization sa kasalukuyang administrasyon.

-- ADVERTISEMENT --

Magugunitang nagkasa ng malawakang kilos protesta ang iba’t-ibang grupo sa Setyembre 21 bilang pagkondina sa mga nagaganap na kurapsyon sa flood control projects.