-- ADVERTISEMENT --

Ibinunyag ni Miss Universe 1991 Lupita Jones na tinanggal na ang logo ng Miss Universe sa headquarters nito sa Mexico.

Ang nasabing logo ay nakalagay sa Legacy Holdings na pag-aari ni Miss Universe Organization (MUO) president Raul Rocha.

Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng larawan ng nasabing gusali na wala ng logo.

Hindi naman na binanggit nito ang dahilan ng pagkakatanggal ng logo.

Si Jones ay unang Mexican na nag-uwi ng Miss Universe title noong 1991.

-- ADVERTISEMENT --

Siya ang naging national director ng Miss Universe Mexico ng mahigit tatlong dekada hanggang ito ay bumaba sa puwesto noong 2023.