-- ADVERTISEMENT --

Inabangan ng maraming Pinoy fans sa Qatar ang pagsabak ni Alex Eala sa WTA 1000 Qatar Open.

Makakaharap nito ang Czech player na si Tereza Valentova.

Si Valentova ay mas mababang ranking na 44 kumpara kay Eala na nasa ranked 45.

Huling nagkaharap ang dalawa ay noong nakaraang Oktubre 24, 2025 sa Round of 32 ng Japan Women’s Open subalit nabigo ang Pinay tennis star.

Ang 5-foot-9 at righthanded na si Valentova ay 18-anyos pa lamang kung saan kaya ito nakapasok sa main draw ng Qatar Open dahil sa tinalo nito sina Ella Seidel at Arina Rodionova.

-- ADVERTISEMENT --

Magugunitang galing lamang sa Abu Dhabi Open si Eala kung saan nabigo ito sa quarterfinals.

Gaganapin ang laban ng dalawa nitong Lunes ng gabi, Pebrero 9.