-- ADVERTISEMENT --

Inanunsyo ng Madame Tussauds na si Kathryn Bernardo ay magkakaroon ng wax figure sa kanilang Hong Kong branch sa 2026.

Sa isang Instagram post nitong Miyerkules, Oktubre 22, inihayag ng museo na tinaguriang “Phenomenal Box-Office Queen” si Kathryn, at siya ang unang Filipino celebrity na magiging bahagi ng Madame Tussauds Hong Kong.

Sa ngayon si Kathryn ang pinaka batang Filipino celebrity na may wax figure sa labas ng bansa kung saan napapabilang na ito kina Manny Pacquiao, Pia Wurtzbach, Catriona Gray, Lea Salonga, at Anne Curtis na may wax figures din sa Asia.

Kilala si Kathryn sa mga blockbuster na pelikula tulad ng ”The Hows of Us,” ”Hello,” ”Love,” ”Goodbye,” at ang ”Hello, Love, Again” na siya rin ang kauna-unahang Filipino film na kumita ng higit P1 billion globally.