Payag umano ang karamihan sa mga senador na isapubliko ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN), ayon kay Senate President Vicente Sotto III.
Ayon kay Sotto, nakausap na niya ang ilan sa kanyang mga kasamahan sa Senado at karamihan sa kanila ay pumayag na maisapubliko ang kani-kanilang mga ari-arian.
Naniniwala si Sotto na makatutulong ang hakbang na ito ni Ombudsman Boying Remulla upang maibalik ang tiwala ng publiko sa mga opisyal ng gobyerno.
Dagdag pa niya, hindi na kailangang magpanotaryo ang mga nagnanais humingi ng kopya ng SALN ng mga senador, lalo na kung lehitimo naman ang kahilingan.
Aniya, tulad sa media, kilala naman daw ang mga accredited at lehitimong media practitioners. Gayunman, nilinaw niyang hindi maaaring ibigay ang kopya ng SALN sa kahit sino na lamang.
Pabor din si Sotto na ma-review ang kabuuan ng kanyang yaman.