-- ADVERTISEMENT --
Pasok na sa finals ng “America’s Got Talent” Season 20 si Filipino -American singer Jessica Sanchez.
Makakatunggali nito sa finals sina Chris Turner, LightWire, Sirca Marea, Jourdan Blue at Leo High School Choir.
Ang mga finalist ay napili sa pamamagitan ng pagboboto ng mga publiko.
Gaganapin ang AGT Finals sa Setyembre 23 at ang mananalo ay iaanunsiyo sa Setyembre 24 matapos ang public voting.
Magugunitang kinanta ni Jessica ang “Golden Hour” ni JVKE sa semifinals rounds.
-- ADVERTISEMENT --
Kahit na nasa siyam na buwan ng buntis ang singer ay binabalanse pa rin nito ang pagkanta at ang pagiging isang ina.