Kapwa tumimbang ng 104.8 pounds sina WBC minimumweight world champion Melvin Jerusalem at challenger Siyakholwa Kuse.
Idedepensa ng Cebu-based boxer na si Jerusalem ang kaniyang belt laban sa number 2 contender mula sa South Africa para sa pagdiriwang ng 50th anibersaryo ng makasaysayang Thrilla in Manila ngayong Oktubre 29.
Mayroong record ang 31-anyos na si Jerusalem na 24 panalo , tatlong talo na may 12 knockouts.
Noong Marso ay napanatili ni Jerusalem ang kaniyang titulo sa rematch laban kay Yudai Shigeoka ng Japan.
Habang ang 22-anyos na si Kuse ay mayroong siyam na panalo , dalawang talo at isang draw na may apat na knockouts.
Ilan sa mga undercard ay ang laban ni Speedy Boy Acope laban kay Ronerick Ballesteros sa eight round fight habang 10 round fight naman ang laban ni Berland Robles kay Arvin Magramo.











