-- ADVERTISEMENT --

Tinawag ni Iranian President Mazoud Pezeshkian na isang kaduwagan ang ginawa ng Israel sa pagpatay sa kanilang Intelligence Minister na si Esmail Khatib.

Sinabi nito na ang pagkasawi nina Esmaeil Khatib, Ali Larijani, Aziz Nasirzadeh kasama ang mga pamilya nila ay isang nakakalungkot na balita sa kanila.Pamilya

Una ng kinumpirma ng Israel ang pagkasawi nina Larijani ang top security officials ng Iran at si Nasirzadeh ang kanilang defence minister.

Magugunitang ipinagmalaki ng Israel ang pagpatay ng ilang opisyal ng Iran dahil sa ginawa nilang airstrike.