-- ADVERTISEMENT --

Pumalo sa 2.4% ang inflation rate ng bansa noong Pebrero 2026, ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ito ang pinakamabilis na pagtaas sa loob ng 13 buwan, mas mataas kaysa 2.0% noong Enero 2026 at 2.1% noong Pebrero 2025.

Ayon sa PSA, pangunahing nagtulak sa inflation ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng food at non-alcoholic beverages, na may 29.5% share sa kabuuang inflation.

Tumaas din ang presyo sa housing and utilities (3.5%), restaurants and accommodation services (4.4%), recreation, sport, and culture (4.3%), at health (3.2%).

Ang Core inflation (hindi kasama ang piling food at energy items) ay nasa 2.9%, mas mataas kaysa 2.8% noong Enero.

-- ADVERTISEMENT --

Sa Food inflation ay nasa 1.6%, mas mataas kaysa 0.7% noong nakaraang buwan, ngunit mas mababa sa 2.6% noong Pebrero 2025.

Tumaas din ang presyo ng rice (3.4%), mais, arina, isda, seafood, dairy products, prutas, nuts, at gulay.

Bumaba naman ang presyo ng oils and fats, at ready-made foods.

Samantala, ang transport index ay nagpakita ng annual decline na -0.3%.

Gayunpaman, ayon kay National Statistician Claire Dennis Mapa, inaasahang tataas muli ang transport inflation sa Marso dahil sa conflict sa Middle East na nagdulot ng volatility sa global oil markets.

Noong Marso 3, 2026, nagpatupad na ng dagdag-singil ang Department of Energy (DOE).

Ang pagtaas ng presyo ng langis ay kaugnay ng closure ng Strait of Hormuz, isang mahalagang shipping corridor, at ng US-Israeli airstrikes na ikinasawi ni Iranian Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei, na nagpalala ng tensyon sa rehiyon at mga karatig na bansa.