-- ADVERTISEMENT --

Ibinasura ng House Committee on Justice ang dalawang impeachment complaints laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos aprubahan ang committee report na nagsasabing insufficient in substance ang mga reklamo.

Sa bilang ng boto na 39-4-0, pormal na tinanggihan ng komite ang mga reklamong inihain nina Atty. Andre de Jesus at ng Makabayan bloc.

Ayon kay Committee Chair Rep. Gerville Luistro, kinakailangan ng malinaw na recital of facts upang maituring na sapat ang substance ng isang impeachment complaint. Dagdag pa niya, hindi nakapagsumite ng matibay na ebidensya ang mga nagreklamo upang suportahan ang kanilang mga akusasyon.

Ang unang reklamo ay nakatuon sa umano’y “betrayal of public trust” kaugnay ng mga polisiya sa West Philippine Sea, habang ang ikalawa ay tumalakay sa umano’y kapabayaan sa pamamahala ng ekonomiya at iba pang isyu.

Gayunman, parehong itinuring ng komite na kulang sa substansya ang mga ito.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kabila ng desisyon, iginiit ng Makabayan bloc na patuloy nilang isusulong ang pananagutan ng Pangulo sa iba’t ibang larangan, kabilang ang foreign policy at socio-economic issues.

Ang pagbasura ng impeachment complaints ay naglalagay kay Pangulong Marcos Jr. sa mas matatag na posisyon sa Kamara, na kontrolado ng kanyang mga kaalyado.