-- ADVERTISEMENT --
Binatikos ng Hamas ang naging pahayag ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na sakupin ng tuluyan ang Gaza.
Ayon sa Palestinian armed group, na ang pahayag na ito ni Netanyahu ay malinaw na binabaligtad nito ang daloy ng negosasyon.
Ang hakbang din aniya na nito ng Israel ay nangangahulugan na handang isakripisyo nito ang buhay ng nasa halos 30 pa na bihag nila.
Nanawagan din ang Hamas sa mga Arab at Islamic countries ganun sa mga international community na kondinahin at tanggihan ang delikadong balak na ito ng Israel.
Ikinabahala rin ng United Nations ang nasabing pahayag na ito ni Netanyahu dahil sa maisasakripisyo ang maraming buhay ng mga bihag kung saan umaasa ang mga pamilya ng mga ito na sila ay makakauwi pa ng buhay.
-- ADVERTISEMENT --