-- ADVERTISEMENT --

Naitala ng Barangay Ginebra ang kanilang unang panalo sa PBA 50th Season Philippine Cup.

Ito ay matapos na hindi nila pinaporma ang TNT 92-77 sa laro na ginanap sa Smart Araneta.

Sa unang quarter ay hawak na ng Ginebra ang kalamangan 33-16 at mula noon ay hindi na nakahabol pa ang TNT.

Bumida sa panalo ng Ginebra si Japeth Aguilar na nagtala ng 17 points habang mayroong 14 points si RJ Abarrientos.

Nag-ambag naman ng 13 points at 13 rebounds si Troy Rosario habang mayroong 10 points at siyam na assists si Scottie Thompson.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Ginebra coach Tim Cone na naging aral ang kanilang pagkatalo noong unang laro.

Nasayang naman ang ginawang 17 points ni Simon Enciso habang mayroong 11 points si Kevin Ferrer para sa Tropang 5G.