-- ADVERTISEMENT --

Handa na ang Gilas Pilipinas para sa pagharap nila kontra sa Jordan para sa window 4 ng FIBA World Cup Asian Qualifier ngayong araw, Agosto 28,2026.

Desidido ang national basketball team ng bansa na makabawi matapos na talunin sila ng Jordan noong 19th Asian Games sa Hangzhou China noong 2023.

Ang nasabing pagkatalo noon sa score na 70-60 ay maituturing na isang malaking sampal para sa Gilas Pilpinas dahil ito ang nagtapos sa 61-taon na pagkamit nila ng gintong medalya sa quadrennial event.

Ilan sa mga manlalaro noon ng Gilas Pilipinas na nakaharap ng Jordan sa Asian Games ay sina Chris Newsome at Scottie Thompson.

Isang araw bago ang laro ay inilabas na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang final 12 na kinabibilangan nina June Mar Fajardo, Justine Baltazar, AJ Ed, Juan Gomez De Liano, Newsome, CJ Perez, Kevin Quiambao, Dwight Ramos,Troy Rosario, Kai Sotto, Carl Tamayo at Scottie Thompson.

-- ADVERTISEMENT --

Naniniwala naman si Gilas coach Tim Cone na makakaya nila ang Jordan kahit wala si Justin Brownlee na nagpapagaling pa sa kaniyang injury.