-- ADVERTISEMENT --

Hinatulang makulong ng hanggang 15 taon si dating Malaysian Prime Minister Najib Razak.

Ito ay matapos na siya ay napatunayang guilty sa money laundering at abuse of power.

Sa inilabas na desisyon ng Kuala Lumpur High Court, ay napatunayan na ang 72-anyos na si Razak ay guilty sa lahat ng 21 counts ng money laundering at apat na bilang na abuse of power.

May kinalaman ang nasabing kaso sa paglipat nito ng halagang $543 milyon mula sa 1MDB o One Malaysia Development Berhad patungo sa kaniyang sariling bank accounts.

Inakusahan ng prosecutors si Najib ng pang-aabuso ng kaniyang posisyon bilang prime minister, finance minister at 1MDB advisory board chairman sa pamamagitan ng paglipat ng pera sa kaniyang sariling account.

-- ADVERTISEMENT --