-- ADVERTISEMENT --

Pumanaw na si dating Department of Health Secretary Dr. Alfredo Bengzon sa edad na 91.

Inanunsiyo ng The Medical City ang pagpanaw ng dati nilang Chief Executive Officer (CEO) na si Dr. Alfredo Rafael Antonio Bengzon.

Nagsilbi si Bengzon bilang Health Secretary mula 1986 hanggang 1992 sa pamumuno noon ni dating Pangulong Corazon Aquino.

Sa panahon niya ay isinulong niya ang Generic Drugs Law kung saan ipinakilala nito ang generic alternatives na gamot.

Isinulong niya ang family planning na ito ay kinontra mula sa religious sectors.

-- ADVERTISEMENT --

Ginawaran siya ng Ramon Magsaysay Awards noong 1991 dahil sa kontribusyon sa sektor ng kalusugan.

Nag-aral siya sa Ateneo de Manila University (ADMU) at nagtapos ng medical degree sa University of the Philippines.

Sa dekada 90 ay naging dean ng Ateneo Graduate School of Business at naging Vice President ng Professional Schools sa ADMU.