-- ADVERTISEMENT --

Agad na sasabak sa panibagong torneo si Pinay tennis star Alex Eala matapos ang pagkatalo nito sa semifinals ng Jingshan Open.

Ngayong linggo ay magsisimula ang WTA125 Suzhou Open na gaganapin pa rin sa China.

Makakasagupa nito sa unang round si Katarzyna Kawa ng Poland.

Ang Women’s Tennis Association (WTA)ranked 58 na si Eala ay nananatiling manalo sa nasabing torneo matapos ang impresibong larong ipinakita nito sa Jingshan Open.

Magugunitang nagkampeon si Eala sa WTA 125 Guadalajara Open sa Mexico noong nakaraang buwan.

-- ADVERTISEMENT --