-- ADVERTISEMENT --


Itatalaga bilang bagong kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) si Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon matapos na magbitiw sa kaniyang katungkulan si DPWH Sec. Manuel Bonoan.

Ang panibagong pagtatalaga na ito ay nagalalayon na mas pokusan at bigyang aksyon ang mga isyu na pumapalibot ngayon sa kagawaran hinggil sa maanomalyang flood-control projects kung saan inatasan si Dizon na tiyakin na ang pondo ay ginagamit sa mga pagpapatayo ng mga imprastraktura na siyang mapapakinabangan ng publiko.

Titiyakin din na sa ilalim ng liderato ni Dizon, mas mapapaganda at sasailalim sa modernisasyon ang transportation sector at susuportahan ang prayoridad sa kaligtasan ng mga komyuter at mas mainam na project delivery.

Samantala, ang naturang pagtatalaga naman ay sumasalamin sa matigas na paninidigan ng kasalukuyang administrasyon na maresolba at mapanagot sa batas ang mga opisyal na gumagawa ng katiwalian at korapsyon at hindi nakakapagbigay ng mga epektibong serbisyong publiko.

Ang pagbabago naman na ito ay nganap sa gitna pa rin ng imbestigasyon sa mga maanomalyang mga flood-control projects sa iba’t ibanag bahagi ng bansa at inaasahan na magiging epektibo bukas Lunes, Setyembre 1, 2025.

-- ADVERTISEMENT --