-- ADVERTISEMENT --

Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng “National Day of Prayer and Public Repentance” sa Oktubre 7 dahil sa patuloy na pananalasa ng mga kalamidad at kurapsyon sa bansa.

Sa kaniyang sulat hinikayat ni CBCP president Cardinal Pablo Virgilio David ang lahat ng mga parokyano, simbahan, paaralan,pamilya at mga church organization na sumali sa observance kasabay din ng piyesta ng Our Lady of the Holy Rosary.

Hiniling din nito ang special prayer na dadasalin simula sa araw ng Martes hanggang sa mga susunod na mga araw na Linggo na magtatapos sa Feast of Christ the King sa darating na Nobyembre 23.

Umaasa ang CBCP na makibahagi ang maraming mananampalataya sa nasabing panawagan.