-- ADVERTISEMENT --

Binatikos ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) ang Philippine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR) dahil sa paglaganap ng mga online gambling.

Sa sulat mismo ni CBCP president Cardinal Pablo Virgilio David kay PAGCOR chairman Alejandro Tengco, na walang kuwenta ang kita sa gobyerno kung makakasira naman ng buhay at pamilya dahil sa pagkalulong sa online gambling.

Hindi dapat manguna ang kita sa moral duty na siyang nagpoprotekta sa kabutihan ng lahat.

Una kasing sinabi ni Tengco na kapag tuluyang ipinagbawal ang online gambling ay malaking kita ng gobyerno ang mawawala.

Magugunitang kabilang ang CBCP sa maraming mga grupo ang nanawagan sa gobyerno na dapat ay tuluyan ng tanggalin ang online gambling dahil sa negatibong dulot nito.

-- ADVERTISEMENT --