-- ADVERTISEMENT --

Kasalukuyan nang naghahanap ang Bureau of Customs (BOC) ng private auctioneer para sa mga potensyal na pagkakainteres ng mga international bidders sa dalawa pang luxury cars ng mag-asawang Sarah at Curlee Discaya na nananatiling nasa puder ng tanggapan.

Ito ay matapos na mabigong maibenta ng BOC ang dalawa pang mamamahaling sasakyan ng mga Discaya sa pangalawang pagkakataon.

Ayon kay BOC Spokesperson Chris Bendijo, kasalukuyan pang hinihintay ng kanilang tanggapan ang magiging desisyon ng kanilang komite hinggil sa kanilang magigingv rekomendasyon para tuluyan nang maipasubasta ang dalawa pang natitirang sasakyan.

Paliwanag niya, pumapasok pa rin sa usapin ng bentahan ang mga negotiated sale o hindi kaya’y mga direct offers para sa pagbili sa mga naturang sasakyan.

Samantala, ang mga sasakyan naman na ito na Rolls-Royce Cullinan na isang luxury sports car at siyang nag-trending dahil sa libreng payong nito at isa pang SUV type na Bentley Bentayga ang hindi pa nabibili sa ngayon.

-- ADVERTISEMENT --