-- ADVERTISEMENT --

Tinuldukan na ng Blackwater Bossing ang magkakasunod na pagkatalo sa PBA Season 50 Commissioner’s Cup.

Ito ay matapos na talunin nila ang Magnolia 97-91 sa laro na ginanap sa Ynares Center sa Antipolo.

Bumida sa panalo ng Blackwater si Rober Upshaw na nagtala ng 35 points at 14 rebounds.

Habang mayroong 26 points naman si Sedrick Barefield.

Nasayang naman ang nagwang 38 points ni Nuni Omot ng Magnolia.

-- ADVERTISEMENT --

Ganun din ay nagtala ng 15 points at anim na rebounds si Zavier Lucero at 12 points naman ni Ian Sangalang.

Mayroon ng isang panalo at dalawang talo ang Blackwater habang wala pang panalo at tatlong talo na ang Hotshots.