-- ADVERTISEMENT --
Inilabas na ng girl group na BINI ang kanilang bagong kanta na pinamagatang “Paruparo”.
Ilang oras matapos na ilabas sa mga streaming platform ay nakakuha na ito ng mahigit kalahating milyong views.
Ang nasabing kanta ay nagpapakita ng kanilang patuloy na paglago bilang singer at songwriters.
Kabilang ang nasabing kanta sa bagong album nilang “FLAMES” na ilalabas sa darating na Nobyembre 20.
Bukod sa nasabing kanta ay kasama rin sa album ang mga kantang “First Luv” at ang mga bagong tracks nila na “Infinity”, “Katabi”, “Sweet Tooth” at “Bikini”.
-- ADVERTISEMENT --
Nakatakda rin silang magsagawa ng “BINIfied ” concert sa Philippine Arena sa Nobyembre 29.











