-- ADVERTISEMENT --

Dinukot at ginahasa ng tatlong lalaki ang isang binata sa Lucena City.

Kinilala ang biktima sa alyas na “Jake”, 28 taong gulang, residente ng Barangay Gulang-Gulang sa nasabing siyudad.

Ayon sa biktima, huminto siya sa gilid ng highway habang minamaneho ang kanyang kotse nang bigla siyang pasukin ng dalawang hindi nakilalang lalaki.

Kwento niya, pinasakay siya ng mga ito at pinadiretso sa isang madilim na lugar kung saan may isa pang lalaki na naghihintay.

Sumakay ang ikatlong suspek at doon ay ginahasa ang biktima habang nanonood lang ang dalawang kasama nito.

-- ADVERTISEMENT --

Pagkatapos ng insidente, kinuha pa ng mga suspek ang cellphone at pera ng biktima bago sila tumakas sakay ng motorsiklo.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay sa insidente.