Palestinians watch the lighting of a Christmas tree at Manger Square, outside the Church of the Nativity in West Bank town of Bethlehem, December 4, 2021. Photo by Flash90 *** Local Caption *** חג המולד בית לחם נצרות נוצרים זיקוקי די נור זיקוקין
-- ADVERTISEMENT --

Sa unang pagkakataon mula noong nagsimula ang giyera sa pagitan ng Israel at Hamas, namataan ang malawakang selebrasyon ng Pasko sa Bethlehem, ang lugar na kung saan pinaniniwalaang ipinanganak si Hesukristo.

Bagaman taunang inaabangan ang pagdiriwang ng Pasko sa naturang syudad, hindi ito nasilayan sa mga nakalipas na taon dahil sa giyera.

Unang nagdesisyon ang syudad na kanselahin muna ang magagarbong Christmas festivities sa mga nakalipas na taon bilang pakikiisa at konsiderasyon sa kalagayan ng mga mamamayang nakatira sa Gaza na siyang sentro ng naturang labanan.

Bagaman bahagyang may kalayuan ang Betlehem sa Gaza, apektado rin ito sa nangyayaring kaguluhan, dahil ang naturang lungsod ay labis na nakadepende sa turismo, ang isa sa mga sektor na pangunahing apektado sa giyera.

Ngayong taon, ibinalik na muli ang mga magagarbong parada sa lugar, at ang masiglang partisipasyon ng mga residente, at mga turistang naglalakas-loob pumasok sa naturang syudad.

-- ADVERTISEMENT --

Sa Manger Square, ang lugar sa Betlehem na kung saan pinaniniwalaang isinilang si Hesu-Kristo, maraming mga pilgrim muli ang pinayagang makibahagi sa parada atbpang mga aktibidad na karaniwang bukas para sa mga turista.

Makikita na rin ang mga Christmas decoration sa halos lahat ng bahagi ng Betlehem, hindi tulad sa nakalipas na dalawang magkasunod na Pasko.

Unang nagsimula ang giyera sa pagitan ng Hamas at Israel noong Oktobre 2023 kung saan libu-libong katao na ang namatay, missing, at nasugatan.