-- ADVERTISEMENT --
Pasok na sa finals ng PBA 49th Season ang San Miguel Beermen.
Ito ay matapos na talunin sa Game 7 ang Barangay Ginebra 100-93.
Dahil dito ay makakaharap ang Beermen ang TNT Tropang Giga.
Umabot sa 12,279 na mga fans ang nanood sa laban ng Beermen sa laro na ginanap sa Smart-Araneta Coliseum.
Ito na ang pang-walong finals na nakaabot ang Beermen sa Philippine Cup sa loob ng 10 taon.
-- ADVERTISEMENT --
Target ng Beermen na pigilan ang TNT na planong maging ika-limang koponan na makumpleto ang PBA grand slam.
Huling nakakuha ng grand slam sa PBA ay ang Beermen noong 2014.
Tinanghal naman na Best Player of the Game si Chris Ross na may 19 points, tatlong rebounds at pitong assists.