-- ADVERTISEMENT --
Pormal ng nanumpa si Atty. Johann Carlos Barcena bilang bagong commissioner at chairperson ng National Privacy Commission (NPC).
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panunumpa ni Barcena sa Malacañang.
Bago naging NPC commissioner si Barcena ay naging executive director ng Governance Commission for GOCCs (GCG).
Nakasaad sa Republic Act 10173 o Data Privacy Act na ang privacy commissioner ay magsisilbi ng tatlong termino.











