Humirit ang dating asawa ng British singer na si Sia ng $250,000 kada buwan bilang spousal support.
Base sa inilabas na desisyon ng korte sa US na humiling si Daniel Bernard ang dating asawa ng singer na si Sia Furler.
Naghain ng divorce ang singer noong Marso dahil sa hindi na umanong maaayos na hindi pagkakaintindihan.
Nakasaad sa dokumento na dumedepende pinansiyal si Bernard na dating doktor sa asawa matapos magbitiw sa trabaho sa medical business.
Layon ng hinihingi nitong spousal support ay para mapunan niya ang kaniyang magarbo lifestyles.
Ikinasal ang dalawa noong Disyembre 2022 kung saan mayroon silang 18-buwan na anak na lalaki.
Nakasaad sa dokumento na kada buwan ay gumagastos ito ng $400,000 para sa private jets, bakasyon at pagkain sa mga mamahaling kainan kasama ang staff.
Dagdag pa ng 47-anyos na si Bernard na mahalaga ang pagbibigay ng suporta ng 49-anyos na singer dahil siya ang itinuturing ‘bread winner’ sa kanilang kasal.
Ilan sa mga pinasikat na kanta ni Sia ay ang “Chandelier” at “Titanium”.