-- ADVERTISEMENT --

Maaaring ilabas anumang oras ang warrant of arrest sa negosyanteng si Charlie “Atong” Ang, na umano’y utak sa likod ng misteryosong pagkawala ng mga sabungero.

Ito ang inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ngayong Lunes, Disyembre 22.

Matatandaan, nauna ng kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na nakakita ito ng prima facie evidence with reasonable certainty of conviction para kasuhan si Ang ng dalawang kaso ng kidnapping.

Inihayag naman ng legal counsel ni Ang, na si Atty. Gabriel VIllareal base sa kanilang inihaing motion for reconsideration na salungat ang findings ng DOJ sa ebidensiyang iprinisenta sa prosecution panel.

Ibinasura naman ng DOJ ang reklamo laban sa iba pang itinuro ng whistleblower na si Julie Patidongan na sangkot umano sa pagkawala ng mga sabungero kabilang na ang aktres na si Gretchen Barretto at 10 iba pang respondents.

-- ADVERTISEMENT --