-- ADVERTISEMENT --
Target ng Kamara na maisama ang panukalang Anti-Political Dynasty Law bilang isa sa pangunahing maipagmamalaking tagumpay sa darating na State of the Nation Address (SONA) ni Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo.
Ayon kay Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong, chairman ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms, “number one priority” ang panukala sa listahan ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC), kaya minamadali itong maipasa bago ang Lenten break ng Kongreso.
Bagama’t may probisyon sa 1987 Constitution laban sa political dynasties, wala pang naipapasang enabling law ang Kongreso sa nakalipas na halos apat na dekada. (report by Bombo Jai)











