-- ADVERTISEMENT --
Nakatoon agad ang atensiyon ni Pinay tennis star Alex Eala sa WTA 1000 Qatar Open 2026.
Ito ay matapos ang kampanya niya sa singles at doubles match sa Abu Dhabi Open.
Nabigo kasi si Eala at partner nitong si Janice Tjen ng Indonesia sa women’s doubles semifinals laban kina Tereza Mihalikova ng Slovakia at Olivia Nicholls ng Great Britain.
Inaasahan na makakaharap ni Eala sa Qatar ang mga malalaking pangalan sa tennis gaya nina Iga Swiatek ng Poland , Coco Gauff ng US at Elena Rybakina ng Kazakhstan.
Magsisimula ang nasabing torneo sa araw ng Lunes kung saan inaasahan na magiging mainit pa rin ang suporta ng mga Pinoy fans na nasa Qatar.
-- ADVERTISEMENT --











